Lungsod Ng Bacolod (Ang Lungsod Ng Mga Ngiti)

Lungsod Ng Bacolod (Ang Lungsod Ng Mga Ngiti)

Ang Bacolod City ay isang lungsod sa Pilipinas. At ito ay ang kapital ng Negros Occidental. Sikat at pangalawa din ito sa Western Visayas. Nakikila itong lungsod ng Bacolod City at binansagang ‘’The City Of Smile‘’. Ang Masskara Festival ay tanyag na idinaraos sa buwan ng Oktobre. Ang ‘’Masskara‘’ ay galing sa orihinal na salitang Espanyol. Ang gamit na pananalita ng mga  taga Bacolod City ay tinatawag na ( Hiligaynon o Ilonngo ) at ito ay may halong mga Espanyol.  Nakikilala ang mga masasarap nilang mga pagkain katulad ng Piaya at Chicken Inasal kung saan dinadayo ng mga mamimili at higit sa lahat ng mga turista. Noong 2008 ay nanguna ito sa pagsusuri ng ‘’Money Sense Magazine as the ‘’Best Place Live’’ Philippines. At noong 2 taong nakalipas ang Bacolod City ay binigyan ng gantimpla bilang ‘’Top Philippine Model’’ ng The Manila Philippine Time.

 

Destinasyon:

 

Bacolod City Bandstand

Ang sentro ng mga Bacoloneos (mga taga bacolod) kung saan ang mga gawain ay inilulunsad, tulad nang Masskara, Bacoloriat at iba pa.

 

Capitol Park Lagoon

Ay isang lugar sa Kapitolyo kong saan nakatayo ang tampok na iskultura ng babae at lalaki na nasa kalabaw at itoy gawa nang isang obra maestrong Pransya (French) na pintor.

 

Negros Museum Provincial Capitol

Negros Museum ay isang panlalawigang museo na matatagpuan sa Negros Occidental Provincial Capitol Complex sa Bacolod City. Ang istraktura ay itinayo noong 1925 Bilang Provincial Agriculture Building. Ang Musem na ito ay binuksan noong Marso 18, 1996 na sa kasalukuyang pamamahala ng Negros Cultural Foundation.

 

San Sebastian Cathedral Church

Ay isang maliit na nayon kung saan tinawag na Magsungay, ay tirahan nang mga Malayans, at inilagay sa proteksyon ng mga misyonaryo noong 1700’s. Ang nayong ito ay nakilala bilang San Sebastian de Magsungay, sa ilalim ng pamamahala ng unang gobernador na si  Bernando de  los Santos..Mula sa paglakat at pag- atake ng mga Morong Pirata  ang mga taga Magsungay ay lumipat mula sa kasunduan ng taga Bacolod. Noong 1806 itinalaga si Padre Leon Pedro bilang kauna – unahang pari sa parokya. Ilang taong nakalipas isang batang pare galing sa Barcelona ang gustong makita ang pagtatayo ng San Sebastian Church.

Sa susunod mong papamsyal iyong silayan ang napakagandang lalawigan ng Bacolod.

 


 

Tumawag sa ating kababayan Travel Consultant sa inyong bakasyon sa Pilipinas. MABUHAY TRAVELS

Related Posts

List of Philippines tourist Attractions that may disappear

Mayaman ang bansang Pilipinas sa mga magagandang atraksyon, saan mang panig ng bansa mayroong maipagmamalaking natural na kagandahan. Dahil rin...

Best Places to Visit in Puerto Princesa

Puerto Princesa, known as the “City in a Forest,” is the capital of Palawan and a tropical paradise that attracts...

Bohol Island: Uniqueness Of Nature 2020

Ang Bohol Island ay isang 1st class province ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Central Visayas. Ito ay ang...