Panaad sa Negros- Promise of Negros

Panaad sa Negros- Promise of Negros

Piyesta sa Negros Occidental

Ang Panaad sa Negros Festival, na tinatawag din na Panaad Festival (kung minsan ay nabaybay bilang Pana-ad), ay isang pagdiriwang na ginaganap taun-taon sa buwan ng Abril sa Bacolod City, ang kabisera ng lalawigan ng Negros Occidental sa Pilipinas. Ang Panaad ay ang salitang Hiligaynon para sa “panata” o “pangako” na nagmumula sa salitang-ugat, ang piyesta ay isang anyo ng pasasalamat sa Divine Providence at pagdiriwang ng panata bilang kapalit ng isang magandang buhay. Ang pagdiriwang ay ginaganap sa Panaad Park, na nagtataglay din ng Panaad Stadium. Ang panaad ay nagsislbing isang pagtitipon ng pinakamagagandang piyesta sa kabuan ng Negros Occidental.

Ang mga Negrense ipinahihiwatig ang mga kasaysayan at ang likhang sining sa magkakaibang presentasyon ng 13 lungsod at 19 munisipyo. Ang mga palabas ay pinagsama-sama sa makulay na mga pavilion na ipinakita sa loob ng 25-ektaryang Panaad Park at Sports Complex sa Bacolod City, ang kabisera ng probinsya.

Noon nakaraang taon ay ang ika 25th Anniversary ng Panaad sa Negros Festival kung saan taunang pagdiriwang ay kinikilala bilang isang Hall of Famer para sa pinakamahusay na Tourism Event (Provincial Festival Category) ng DOT- ATOP sa loob ng 3 magkakasunod na taon.

Ang mga nagagandahang mga kasuotan ng iba’t ibang lalawigan

Lalahok sa selebrasyon ang mga pinakamagagaling na mga festival dancers na nanggaling pa sa iba’t ibang bayan at siyudad ng Negros. Kasama rito ang Pintaflores ng San Carlos City, Himayaan ng Himaymaylan City, Kali’kalihan ng Salvador Benedicto, Kisi-kisi Festival ng Ilog, Tinabuay ng Murcia, Minulu-an ng Talisay, Bulang-bulang ng San Enrique, Dinagsa ng Cadiz City, Manang Pula ng Victorias City, Manlambus ng Escalante, Pagbanaag ng Hinoba-an, Sinigayan ng Sagay at Bailes de Luces ng La Castellana.

Kasama rin ang mga piyesta tulad ng Dinagyaw sa Tablas ng Candoni, Pasaway ng Sipalay City, Lubay-lubay ng Cauayan, Pasundayag ng Valladolid, Udyakan ng Kabankalan City at ang Babaylan ng Bago City.

Bibisita rin ang Masskara Festival na magtatanghal sa mga dadalo. Asahang magiging makulay at maingay ang pagdiriwang na ito.

At dahil ito ay ang piyesta ng mga piyesta, hindi mawawala ang mga pagkain na naging tanyag sa bawat siyudad at bayan na kalahok. Bawat isa ay magkakaroon ng puwesto kung saan nakalatag ang mga pagkain.

Ginanap din sa pagbubukas ng Panaad ang Lechon Parade, Agri-Trade Fair and Exhibits, ang Organik na Negros Agri-fest & Agri-Clinic, at isang Livestock and Dairy Fair pati na rin isang Eco-Garden Show.

Tumawag po lamang kayo sa Mabuhay Travel at kumunsulta sa aming mga Pilipino Travel Consultant sa susunod ninyong bakasyon. 02035159034

Related Posts

Travel to Philippines and Visit the Best Seafood Restaurants in Roxas City

Ang Roxas, opisyal na Lungsod ng Roxas o simpleng tinukoy bilang Lungsod ng Roxas, ay isang 3rd class city at...

Let’s Go Hiking And Trekking At Mount Pulag

“Famous for its name as ‘’ SEA OF CLOUDS’’   Mount Pulag is a dormant volcano and ranks third highest...

Naga City – Mga limang lugar matutuluyan nasa hanay £40

Ang Naga ay kilala bilang “Queen City of Bicol”, at bilang “Puso ng Bicol”, dahil sa gitnang lokasyon nito sa...

Most Romantic Beach Wedding Destinations in the Philippines

Maaliwalas naka mamangha, at Laid back, na mga beach wedding, ay lalong nagiging sikat sa mga mag-asawa ngayon at bakit...